
Ang Imperyo ng mga Hittite
"Isang imperiyo sa Lumang Tipan na napatunayan gamit ang natuklasang mga bakas ng nakaraan"
Ang istatwa na pinapakita dito ay natagpuan sa Turkey, sa labas ng isang lugar na dating tinawag na Hattusa, kabisera ng emperyo ng mga Hittite. Sinasaad dito ang labindawalang diyos ng impyerno ng mga Hittite. Ang emperyo ng Hittite ay nakasaad sa Bibliya na dating sinasabing likhang isip lamang. Sinaad ng mga kritiko na ang Lumang Tipan ay mga gawa-gawang mga istorya lamang tungkol sa emperyo ng Hittite. May iba't ibang teorya tungkol sa mga dahilan kung bakit kailangang isulat ang mga gawa-gawang kwento tungkol sa emperyong ito. Ngunit sa mga nakaraang dekada, nadiskubre ng mga arkeologo ang emperyo ng Hittite, tulad ng nakasaad sa Bibliya.

Ang bato ni Pilato
Kasalukuyang naka-display sa Museo ng Isreal sa Herusalem. Ang kasulatan sa batong ito ay "ang gusali sa karangalan ni Tiberius, Ponto Pilato, Prepekto ng Judea".
Si Ponto Pilato ay isang Romanong tagapagtaguyod ng Judea mula 26-36 CE. Ang artepaktong ito, tinatawag na "Bato ni Pilato," ay ang nag-iisang bagay mula sa panahong iyon na naglalaman ng kaniyang pangalan.

Bahay ni David
Ang "Tel Dan Stele" ay isang piraso ng bato na nadiskubre noong taong 1993 ni Gila Cook sa Tel Dan. Ang kapirasong ito ay naglalaman ng mga kasulatan sa Aramaic na nagsasaad sa "Bahay ni David."
Bago ang pag-diskubre sa kasulatang "Bahay ni David" sa Dan noong 1993, tinangi ng mga iskolars at propesor ang mga istorya tungkol kay Haring David sa Bibliya bilang isang imbensyon ng mga propaganda ng mga pari upang subukang parangalin ang Israel pagkatapos ng pagkakasakop sa ilalim ng Babylonia. Pero sa Unibersidad ng Tel Aviv, na-obserbahan ng isang arkeologo na si Israel Finkelstein na, "ang pesimismo tungkol sa Bibliya ay gumuho sa magdamag matapos ang pagkakadiskubre sa kasulutan sa bato na nagsasaad kay David."